Thursday, November 26, 2009

Maganda VS Nakapagpapasaya sayo

Hindi na nga ako nakakapanood ng PBB. I need to sleep para maagang magising. Namiss ko tuloy yung dalawa. Haha. May mga nabasa ako sa Multiply tungkol sa usapan kuno ni Mariel at Jason. Parang nagtanong daw si Mariel kay Jason kung mahal ba niya si Melai, ang sabi daw ni Jason, napapasaya lang daw siya ni Melai. Nagtanong ulit si Mariel, kung sino pipiliin ni Jason, siya daw ba o si Melai, ang sagot daw ni Jason, "Siyempre don na ako sa maganda..."

WHAAAAT. Nagpantig talaga ang tenga ko ng mabasa ko yan. PERO. Sabi nila, kwentong kutsero lang naman daw yun, at walang magawa sa buhay ang nagpost niyan sa PEX kaya... Mabuti naman.

Ito lang ah, para saakin, isang malaking kabobohan para sa isang tao na kapag pinapili siya between sa taong maganda versus sa taong makakapagpasaya sa kanya, yung maganda pipiliin niya. I mean, HELLO? As an intelligent guy, he should face the reality. Aanhin mo ang magandang girlfriend kung hindi ka naman masaya? Ano yun, pang display mo sa barkada mo? Masaya ka nga na pinupuri ka at kinaiinggitan nila dahil ang girlfriend mo halos kahiwig na ng mga model sa America ang legs pero pag magkasama naman  kayo, walang ibang ginawa kundi magpaganda, magmake up, mas mahal pa niya yung make up kit niya kesa sayo! WHAT'S THE SENSE OF WASTING YOUR TIME TO SOMEONE WHO DOESN'T EVEN PAYS ATTENTION TO YOU? Ano ang sense ng buhay kung hindi ka naman napapatawa ng taong pinili mo? Nag jojoke nga siya, totoo bang natatawa ka? Natutuwa kaba? Diba isang katangahan yun?

Anyway, MELASON ako forever. At updated naman ako dahil panay text nila saakin tungkol sa mga cheesy lines ni Jason at Melay. Haha.

No comments:

Post a Comment