Friday, December 11, 2009

Extreme Bartending.




Nanuod kami kanina ng Extreme Bartending. Galeeeeng. Parang nasa circus lang. Haha. Ano ba tong reaction ko, parang wala man lang akong natutunan sa educational video na pinanuod namin. LOL.

Okay, sumali na kami sa cork..corks... corkship? basta kung ano man ang tawag don. basta don, sumali kami as trainees. hindi pa kami official members dahil kailangan pa naming mag train ng 2 weeks.

AT SERYOSO SILA DOON.

Anu ba tong napasukan ko?! Haha. Ewan ko ba. Basta bahala na si Bro. Sabay na lang ako sa agos. Sana isa na to sa mga sagot sa panalangin kong pumayat. Ayon kasi sa kanila, nakakapayat daw ang practice ng flairtending. Tingnan nga naten...

Hindi ako pumasok ng Tourism 2. HINDI PO AKO NAGLAKWATSA. diretso bahay na ako kaagad. Bakit hindi ako pumasok? Naiirita ako. Sobrang init. Ganun siguro pag mataba ka.

Naiinis ako sa mga taong nagsasabing mataba yung isang babae kahit hindi naman. Lalo na kapag yung babaeng sinabihan ay may kasamang talagang mataba. AYY NAKOOOO.

Last wed, pagkauwi ko, may isang chubby girl na nakatayo sa harap ng tindahan namin. Nakabukas ang bag niya ng bonggang bongga. Kinalabit ko at sinabi kong bukas ang bag niya. May humintong tricycle. At nai-spot-an ko ang dalawang batang babae na nasa loob ng tricycle. Parang mga uod na binuhusan ng kumukulong tubig, iyod ng iyod habang parang nakarinig ng pinaka nakakatawang joke sa buong buhay nila.
OO. Pinagtatawanan nila yung chubby girl na sumakay ng tricycle. Ang mga batang negrita na yon! Parang ke gaganda nila! My gosh. Hindi ba sila natuturuan ng mga magulang nila?! Nakakairita.

Goodluck to our "training"! LOL

No comments:

Post a Comment