Para sa mga may kaya o mayaman o elite, ang picture na ito ay isang malaking ha? sa kanila. Pag ito ang inihanda mo sa kanila, baka taasan ka lang ng kilay. Siya nga naman, hindi sila naging mayaman para lang kumain ng simple, walang ka class class at patay na kulay na pancit canton. Napaka dami nilang pera pambili ng mas masarap, mas malasa, mas mahal at mas nakakabusog mata kaysa sa pancit canton.
Ngunit para sa mga walang kaya, ang pagkain ng isang mangkok na pancit canton at isang tasang pineapple juice ay maituturing na nilang heaven. Sa simple at walang ka class class na pagkaing ito, solb na solb na ang sikmura nila. Makakaya na nilang ngumiti sa buong maghapon at kahit anung hirap ng darating na bukas ay mahaharap na nila ng may angking sigla.
Para sa akin, ang pancit canton ay isa nang malaking biyaya. kahit limang subo nito okay na. lalo na kung kasama mo ang mga taong napaka importante sayo. Paano mo ba naman iiwasan ang paboritong meryenda nila ate at kuya?
At.. At ni.. Isama.. isama mo pa si...
AHHHHHHH! XXX)))
Oh my goly.. hindi ko talaga kayang magpakaseryoso sa blog. Putek, itigil ang kalokohang ito! Ang malaking tanong dito ay.. peyburit ko ba ang pancit canton? NO. bakit mo pinicturan yan? KASI GUSTO KONG IPAKITA SA INYO ANG SARAP NG MERYENDA KOOOOO.
haha. Wala ng mas sasarap pa sa isang hapong wala kang maisipang gawin, tapos gutom na gutom kana. Solusyon? kumuha sa tindahan ng isang pancit canton(kalamansi flavor) lutuin sa kumukulong tubig, haluin ang sauce. haluin at YUM. solb ang hapon mo. Seriously, this is Pinoy's favorite meryenda ever! Paano mo naman ipagpapalit ang malinamnam na pancit canton sa malupit na pancit na binebenta sa sam's place sa tapat ng building namin? Oh no. NEVER.
May kakaibang ligayang hatid din ang minamahal kong Pancit canton. Naalala ko, ito ang paborito naming kaining magbabarkada. si dabs siempre ang main cook. hahaluan pa niya ng ilang itlog ang sampung pancit canton na binibili sa malapit na tindahan. pagkatapos maluto, ready to habhab na! sabayan pa ng masayang chismisan, maingay na tawanan at walang katapusang ngitian, wala nang mas sasarap pa pag kasama ang barkada at ang pancit canton kong minamahal.
Meron ding advantages ang Pancit canton.
Kunware, nakita mo ang boyfrunnn mo na nakikipaglandian sa likod ng school canteen niyo.
Kumain ka ng Pancit Canton, at dito mo ibuhos ang iyong sama ng loob.
"uhmp!*sabay kuha* para kang boyfriend ko! kulot! mahahaba ang kulot! Pareho kayong salot!*sabay ang isang pakapagdamdaming pagsubo ng panumpuno ng sama ng loob*"
Oh diba, useful?
kaya ano pa ang hinihintay niyo?
Tayo na't sabay sabay nating namnamin ang sarap ng murang mura at makamasang Pancit Canton. :)
<3 icantbeawriter.isuck.